i'm on a roll
i just spent 6 out of the 7 days last week contibuting to the US government money. yep, dahil humataw ako ng overtime, linggo lang ang naging pahinga ko. sigurado, feel na feel ko na naman ang kaltas na tax pagdating ng paychecks nito. pero kailangan mag OT eh, kasi mukhang magkakaroon ng part two yung mini break namin last july. this time new york naman daw. haay, sana nga matuloy. medyo nagsasawa na kasi ako sa apat na sulok ng apartment namin. mga ilang buwan pa, ma-mememorize ko na kung ilang blades meron ang blinds namin sa bintana ng sala at kwarto. pwera biro.
* * * * * * * * * * * *
nangungulit nung isang gabi yung CNA ko sa nursing home na sumama ako sa paintball games nila. siyempre umayaw ako, malay ko ba sa mga paintball na yan... nung tumanggi akong sumama, hiniritan naman ako ng "sige nood na lang tayo ng sine after ng game namin." (whoa! is he asking me out on a date?) teka lang... eepal ka lang din lang naman tinaon mo pa sa one and only day that i'm off after 6 continuous 12 hour shifts, e di tumataginting na hindi pwede ang inabot mo. para din akong cellphone noh! nag-lolow batt, kailangan din i-recharge. isa pa ga-bundok na yung labada na naghihintay sa akin, wala na akong scrubs na maisusuot sa lunes kaya kung may date man na mangyayari, eh date yun with the washer and dryer. bad timing ka kasi umepal eh.
* * * * * * * * * * * *
anyways, nanalo ako ng kunwaring libro. pakulo ni roni_bats. isang columnist sa peyups na astig kung magsulat. dahil sawa na akong magbilang kung ilang blades meron ang mga blinds namin naisipan kong mag-email. heto ang winning piece ko... he he he.
kunwaring entry:
hi! wag ka sanang ma-shock... he he, hindi ako stalker. masyado lang akong maraming off days kaya malimit maligaw sa website ng peyups. nalaman ko yung tungkol sa kunwaring libro ni roni_bats, kaya kunwari nahihiya pa ako, kunwari ang purpose lang ng email na to eh sabihin sa yo na aliw ang mga artiks mo at kunwari hindi ako manghihingi ng kopya. pero kunwari lang yun ha?! baka naman seryosohin mo. baka naman bigla mong hingin ang mailing address ko at i-ship mo agad dito, sinasabi ko sa yo... magkukunwari talaga akong ayaw kong tanggapin yang kunwari mong libro. kunwari hindi ako interested.
pero teka, bakit mo naman kaya ako dapat bigyan ng kopya? hindi kaya dahil nabasa ko na lahat ng artiks mo sa peyups at gusto ko itong ulit-ulitin? hindi siguro. o baka naman dahil inabot ako ng tatlong oras sa pag-iisip kung alin ba talaga ang paborito ko sa mga artiks mo. aba, 3 oras din yon, sana naglaba na lang ako ng scrubs ko, o di kaya nangapit apartment na lang ako sa kabila at nakinood ng TFC he he.
eto na lang, alam mo bang sa tatlong oras kong pag-iisip kung ano ang paborito kong artik mo, eh nag-consume ako ng 180 minutes? alam kong alam mo, nagdodoktor ka eh, matalino. pwera biro.... sa lahat, naging paborito ko yung ABaKaDabra. nagustuhan ko yung style. magaan basahin pero may social relevance. nagbubukas sa isip ng bumabasa (without being preachy) na hindi lahat ng bagay ay tungkol sa "akin", mas madalas umiikot din ang mundo sa "kanila".
sana dumami pa yung nasa listahan ng mga artiks mo sa peyups. and good luck on becoming a doctor. wow, doktor na magaling magsulat. siguro aliw din ang H & P at progress notes na isusulat mo sa mga charts ng mga pasyente.
kunwari lang,
nerie


0 Comments:
Post a Comment
<< Home