Wednesday, July 14, 2004

smug marrieds

finally! natapos ko na kahapon ang the da vinci code. pinuyat lang naman ako ng dalawang araw ni Dan Brown. pero oks lang, maganda naman ang story. intriguing, lalo na kung katoliko ka. last night, habang nasa trabaho, naglaro kami ni nancy (kasama kong puti) sa website ni Dan Brown, breaking the code ek ek. aliw, kung saan saan na kami napuntang website. tinawagan pa namin yung mga phone numbers na binigay sa mga clues. ang sumasagot si Robert Langdon... he he he parang totoo! two heads are better than one daw, kaya madali lang naming na break yung code. ang saya! parang wala kami sa trabaho...

the other day, tumambay ako sa apartment ng kasama naming pinoy dito. tumawag kasi sila, nagluto daw ng pasta. aba! libreng dinner he he he... baba agad ako sa second floor. ayun, kwento kwento, usap usap. sa gitna ng kwentuhan, bigla kong naalala ang bridget jones' diary. somebody from the group reminded me of the "smug marrieds". wala lang, naka-relate lang ako sa inis ni bridget sa mga "smug marrieds". sorry dahil medyo na bad trip ako, pero a wedding ring or even a man for that matter is not the only key to somebody's happiness. to each his own nga di ba? di naman ako nakikialam kung ano man ang nangyayari sa buhay ng ibang tao.

ok, bago ako ma-high blood countdown muna ako sa upcoming mini break ko. seven days na lang!!! seven days and we'll hit the road. excited na ako. sana lang hindi umulan....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home